DOH, pinag-aaralan na kung ang strain ng COVID-19 ang dahilan ng pagtaas ng kaso sa Pilipinas

Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) kung ang bagong strain ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 ang dahilan ng pagtaas ng kaso sa bansa.

Kasunod ito ng pag-aaral ng Philippine Genome Center (PGC) na ang strain D614G o ang G variant ng COVID-19 ay nakita sa maliliit na sample ng mga nagpositibo sa Quezon City.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, pinag-aaralan ito hindi para makita ang variants kundi para malaman kung paano nagpo-progress ang virus.


Nabatid na ilang pag-aaral na rin sa ilang mga bansa ang nagsasabing ang G variant ay mula sa nag-mutate na SARS-COV-2.

Una na ring lumabas sa pag-aaral ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) noong Hunyo ang G14 at G15 variant ng virus pero maliit na sample lang ito.

Facebook Comments