Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko sa heat stroke at iba pang sakit na nakukuha ngayong tag-init.
Ito ay kasabay ng mga magbabakasyon sa iba’t-ibang lalawigan sa Semana Santa.
Ayon kay DOH Undersecretary Eric Domingo – kapag magbi-Visita Iglesia, magbaon ng maraming tubig, mga pagkaing hindi napapanis at payong.
Ang sobrang init na panahon ay nakakapag taas ng blood pressure lalo na sa mga may hypertension.
Iwasan ding lumabas mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon kung saan nasa rurok ang antas ng temperatura.
Sa mga bibiyahe sa Holy Week, mainam ding may dalang gamot at first aid kits.
Facebook Comments