DOH, pinag-iingat ang publiko sa heat stroke

Manila, Philippines – Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko sa banta ng heat stroke lalo at papalapit na ang summer season.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III – dahil sa mainit na panahong nararanasan, mataas ang posibilidad na tamaan ng heat stroke at heat exhaustion ang tao.

Aniya ang mga matatanda, sanggol at mga bata ang kadalasang mabilis na nade-dehydrate.


Paalala ng DOH ang publiko na uminom ng maraming baso ng tubig upang maiwasan ang dehydration.

Iwasan ding magbilad sa sikat ng araw sa pagitan ng alas-10:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.

 

Facebook Comments