Ilang oil companies, magpapatupad ng taas-singil

Nag-anunsiyo na ang ilang kompanya ng langis ng taas presyo ng gasolina simula Martes, Marso 12.

Ayon sa Petro Gazz at Shell, tataas ng P0.90 ang kada litro ng kanilang gasolina simula alas-6 Martes ng umaga.

Wala namang galaw ang presyo ng kerosene at diesel.


Inaasahan namang susunod na ring mag-aanunsyo ang iba pang kumpaniya ng langis.

Facebook Comments