DOH, pinag-iingat ang publiko sa mga sakit na pwedeng makuha ngayong tag-ulan at Amihan Season

Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko sa mga sakit na posibleng makuha ngayong Amihan Season na sinabayan pa ng pananalasa ng Bagyong Tisoy.

Ayon kay DOH Epidemiology Bureau Director, Dr. Ferchito Avelino, sa ganitong panahon at Enero ay nauuso ang mga sakit gaya ng Flu o Trangkaso.

Aniya, nadadala naman sa gamot at pahinga ang Trangkaso.


Maliban dito, iwasan din ang paglusong sa baha para maiwasan ang Leptospirosis o kung hindi naman ay magsuot ng Protective Gears gaya ng bota.

Facebook Comments