Premium Train ng PNR, abot na ang Los Baños, Laguna

Abot Los Baños, Laguna na ang biyahe ng Philippine National Railways (PNR).

Ito’y sa pamamagitan ng “premium train” na galing Japan.

Ayon kay PNR Spokesperson Joseline Geronimo, nagsagawa sila ng Trial run nitong nakaraang Linggo.


Hindi nila isinapubliko ang simula ng Actual Operations dahil aabot lang sa 83 pasahero ang pwedeng i-accomodate ng tren.

Pero tiniyak ni Geronimo na may mga paparating na bagong tren, at sinisilip na rin nila ang iba pang ruta na inabandona o nasuspinde.

Ang PNR Service ay umaabot sa Bicol Region subalit nalilimitahan na ito sa pagdaan ng mga taon dahil sa iba’t-ibang problema tulad ng kapabayaan at pinsala dulot ng mga nagdaang Bagyo.

Facebook Comments