Naghahanda na ang Department of Health (DOH) para sa posibleng pagsasagawa ng libreng mass testing matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, kinu-kwenta na ng DOH kung magkano ang aabutin para mabigyan ang mga Pilipino ng libreng COVID-19 testing.
Aniya, sa oras na malaman na nila ang halagang kakailanganin, isusumite na nila ito kay Pangulong Duterte para mapondohan.
Mababatid na simula Marso ngayong taon ay nananawagan na ang publiko ng libreng mass testing nang magpatupad ang gobyerno ng mahigpit na quarantine measures para maiwasan ang pagkalat ng Coronavirus.
Pero iginiit ng pamahalaan na walang bansa ang kayang i-test ang lahat ng kanilang mamamayan.
Facebook Comments