DOH, pinalilimitahan sa 8-hour duty ang mga vaccinator para maiwasan ang mga pagkakamali

Hinimok ng Department of Health (DOH) ang mga Local Government Unit (LGU) na limitahan lamang sa walong oras ang trabaho ng mga healthcare worker sa mga vaccination site para makapagpahinga.

Ito ay matapos mag-viral sa social media ang video kung saan isang healthcare worker ang nakalimutang pindutin ang hiringgilya.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dapat magkaroon ng rotation para nakakapagpahinga ang mga healthcare worker.


Aniya maaari din namang hilingin ng publiko sa vaccinator na makita ang hiringgilya bago ito iturok sa kanila.

Sa kabila nito, tiniyak ng DOH na isolated case lang ang nangyari sa Makati City.

Mahigpit aniya nilang imo-monitor ang mga vaccination site para hindi na maulit ang ganitong pangyayari.

Facebook Comments