Walang dapat na ikabahala ang publiko sa naitalang Kappa variant ng COVID-19 sa Floridalanca, Pampanga.
Ayon ito kay Health Secretary Francisco Duque III, dahil base sa advisory ng World Health Organization (WHO) at ng US Center for Disease Control kinakategoriya pa lamang ito bilang variant under monitoring.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ng kalihim na sa kasalukuyan ay wala pang naitatalang clinical significance mula sa variant na ito na nagpapakita na mas mabagsik ito sa Delta variant ng COVID-19, kung kaya’t wala pa aniyang dapat na ipag-alala ang publiko.
Matatandaang nakita ang Kappa variant na ito mula sa sequence na sample ng isang 32-year old na lalaki na kinuha noong June 2.
Gumaling na aniya ang biktima makaraang makaranas ng mild symptoms ng COVID-19.