DOH, pinawi ang pangamba ng publiko hinggil sa transmission ng bird flu sa mga tao

Maliit lamang ang tyansa na mahawa ang tao ng Avian flu mula sa mga ibon.

Ito ang pagtitiyak ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, kasunod ng pagdedeklara ng Department of Agriculture (DA) ng Avian Influenza outbreak sa ilang lugar sa bansa.

Sa press conference sa Malacañang, sinabi ni Vergeire na hindi pa maituturing na major public health concern sa kasalukuyan ang Avian flu virus.


Pero magkagayunman, pinag-iingat pa rin nito ang publiko.

Ani Vergeire, ang Avian flu ay isang respiratory infection na maaaring maiwasan kung susundin ang minimum public health standards na ginagawa para labanan ang COVID-19.

Facebook Comments