Tulong na kailangan ng sektor ng turismo para makabangon sa pandemya, kailangang ibigay ng gobyerno

48

Iginiit ni Senator Nancy Binay sa Department of Tourism (DOT) na ibigay ang tulong na kailangan ng mga nasa sektor ng turismo sa harap ng pagluluwag sa travel restrictions.

Ayon kay Binay, malaking bagay sa pag-ahon mula sa pandemya ang promotional, training o financial support na ipagkakaloob ng pamahalaan sa lahat ng tourism-ready sites.

Mungkahi pa ni Binay sa DOT, pakilusin na ang counterparts nito sa mga lalawigan para tukuyin ang mga tourism sites at tiyaking nakasusunod ito sa mga health protocol standards para makuha ang kumpiyansa ng mga turista.


Naniniwala si Binay na kapag naisaayos ng DOT ang tourism industry sa kasalukuyang new normal setting ay malaki ang tsansa na magtuloy-tuloy ang pagsigla ng ekonomiya ng bansa.

Facebook Comments