DOH, pinayuhan ang mga motorista at commuter na mag-rosaryo kapag naiipit sa traffic

Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang mga commuter at motorista na magdalas na lamang ng rosaryo kapag naiipit sa matinding trapiko.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, ang pagdadasal ng rosaryo ay aabutin lamang ng 15 hanggang 30 minuto.

Aniya, hindi dapat minamadali ang pagdadasal nito at siguruhing magnilay-nilay.


Maliban dito, iminungkahi rin ni Duque sa mga motorista at commuter na mag-Multi-Task.

Pwede rin aniyang manood ng mga videos sa anumang Streaming Sites upang maaliw sa biyahe.

Iginiit ng DOH na ang masyadong mainit ang ulo sa kalye ay posibleng magdulot ng High Blood Pressure.

Facebook Comments