DOH, pinayuhan ang mga nagtamo ng sugat dahil sa paputok

Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang mga nagtamo ng minor cuts at burns mula sa paputok na magpatingin agad doktor upang hindi mauwi sa komplikasyon tulad ng tetanus infection.

Ayon sa DOH, nangyayari ang tetanus infection kapag pumasok ang clostridium tetanus pathogens sa katawan lalo sa mga sugat na dulot ng paputok.

Ang incubation period ay sa pagitan ng tatlo hanggang 21 araw.


Para maiwasan ito, dapat magpaturok ang mga biktima ng anti-tetanus shots.

Sa huling datos ng DOH, umabot na sa 339 ang nabiktima ng paputok mula nitong December 21.

Ang kwitis pa rin ang pangunahing sanhi ng firecracker injuries, kasunod ang luces, fountain, piccolo, at five-star.

Pinakamaraming naitalang kaso sa National Capital Region, kasunod ang Western Visayas, Ilocos Region, Calabarzon, Central Luzon, Cagayan Valley, Bicol at Eastern Visayas.

Facebook Comments