Rider patay matapos masalpok ng bus sa Pangasinan

Patay ang isang rider matapos itong salpukin ng bus sa Barangay Salomague Sur Bugallon Pangasinan.
Kinilala ang nasawi na si Joseph Larioza residente ng Mangatarem Pangasinan. Sa inisyal na imbestigasyon ng otoridad, habang binabagtas ni Larioza ang kahabaan ng Romulo Highway dito na siya nabangga ng bus na minamaneho ni Benedict Calisaan.
Inagaw umano ng bus ang lane ng biktima kung kaya’t nangyari ang insidente.
Nagtamo ng matinding sugat ang biktima ang biktima na naisugod pa sa ospital ngunit ide=ineklara ng dead on arrival.
Dumaan na sa medico legal ang driver ng bus na nasa kustodiya na ng pulisya. ###

Facebook Comments