Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang mga COVID-19 patients na huwag gawin ang self-medication at hinikayat silang magpakonsulta sa medical professionals.
Ayon kay DOH Epidemiology Bureau Dr. Alethea de Guzman, kapag nag-self-medicate posibleng ikasasama pa ito sa pasyente.
Binigyang diin ni De Guzman ang kahalagahan ng pagpapakonsulta sa mga doktor bago uminon ng mga gamot para sa mga nakakaranas ng sintomas ng COVID-19.
Hinikayat ng DOH ang publiko na i-avail ang kanilang libreng telemedicine consultation o sa pamamagitan ng telemedicine partners ng DOH.
Una nang nagbabala ang DOH sa paggamit ng rapid antigen test kits sa bahay na walang patnubay ng medical professionals.
Facebook Comments