Friday, February 27, 2026

DOH, pinayuhan ang mga residente malapit sa Bulkang Kanlaon na protektahan ang sarili mula sa ash fall

Matapos ang moderately explosive eruption ng Bulkang Kanlaon, pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang mga residente sa nangyayaring ash fall.

Paalala ng DOH, mapanganib sa kalusugan ang abo kaya’t nagpapaalala sila sa publiko na mag-doble ingat

Sa abiso ng DOH, magsuot ng mask (N95 kung mayroon) o ng basang tela dahil nakakatulong ito na salain ang malilit na particles na maaaring magdulot ng iritasyon sa ilong, lalamunan, at baga.

lwasang lumapit sa Permanent Danger Zone ng bulkan lalo na’t mas mataas ang konsentrasyon ng nakalalasong usok malapit sa bulkan.

Isara ang mga pinto at bintana, gumamit ng basang tela para takpan ang mga siwang sa pinto o bintana.

Panatilihing hydrated ang sarili dahil sa nakababawas ito na iritasyon sa lalamunan, bibig, at baga.

Higit sa lahat, maging alerto sa balita at antabayanan ang abiso ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) o ng lokal na pamahalaan.

Facebook Comments