DOH, pinayuhan ang publiko na lutuing mabuti ang mga karneng baboy

Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na lutuing mabuti ang mga bibilhing karne ng baboy.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III – siguraduhing maayos na naluluto ang mga meat product.

Hindi dapat kinakain ang mga karne na half-cooked o makikitang reddish o pinkish.


Nagbabala rin ang kalihim sa pagbili ng meat products na hindi dumaan sa pagsusuri ng National Meat Inspection Service (NMIS).

Sa ngayon ang Food and Drug Administration (FDA) ay nagpapatupad ng temporary ban ng importation, distribution at pagbebente ng pork meat products mula sa 20 bansa na apektado ng African swine fever (ASF).

Facebook Comments