Layunin nito na mapalawak pa ang vaccination coverage laban sa COVID19 alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bong Bong” Marcos, Jr.na pagpapaigting sa pagbabakuna sa unang 100 araw nito.
Ang naturang patimpalak ay kasabay ng implementasyon ng PinasLakas Campaign na nagsimula na noong Setyembre 12 at magtatapos hanggang Oktubre 8, 2022.
Base sa mechanics ng patimpalak, kailangan maabot ng RHU o CHO ang kanilang daily target para sa pagbabakuna ng unang booster shot na itinakda ng Cagayan Valley Center for Health Development (CVCHD).
Makakatanggap ng 10,000 pisong reward ang LGU sa bawat araw na maabot nila ang target.
Ang mga LGU naman na naabot na ang kanilang target sa unang Covid-19 booster vaccination ay otomatikong makakatanggap ng 30,000 piso at maari paring sumali sa arawang patimpalak.
Upang mas mapataas pa ang vaccination coverage sa mga batang may edad 5 hanggang 17 taong gulang, naglunsad din ng ang DOH R2 ng Vaxx to School Contest.
Ito ay bukas sa lahat ng guro at estudyante mula public at private schools dito sa Region 2.
Ang Vaxx to School ay isang programa ng CV-CHD Regional Vaccination Operations Center na layuning itaas ang vaccination coverage sa tinukoy na mga edad.