CONSTRUCTION WORKER, ARESTADO SA PAG-IINGAT NG BARIL

18
Nasakote ng mga awtoridad ang construction worker na si Jethly Dufale Agbusac, 28 taong gulang, at residente ng Pilar, Abra matapos mahulihan ng kwarenta’y singko na baril na naglalaman ng limang bala.

Ayon sa ulat ng pulisya, nakatanggap umano sila ng report mula sa isang concerned citizen na mayroong isang lalaki ang pagala-gala at may hawak ng baril sa Zone 6, Bangued, Abra.

Agad namang nagtungo ang mga awtoridad sa lugar at nakumpirma ang nasabing suspek. Nang hingan ng dokumento ang suspek ay wala itong maipakita, dahilan ng kanyang pagkakaaresto.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act.

Facebook Comments