DOH Region 1 nagbabala kontra dengue bunsod ng mga pag-ulan

San Fernando, La Union – Nagbabala ang Department of Health Region 1 sa sakit na dengue dahil sa nararanasang pag-uulan sa rehiyon. Ayon kay DOH Region 1, Medical IV, Dr. Rheuel Bobis, maliban sa COVID 19 isa rin sa pinagtutuunan ng pansin ng ahensya ay ang dengue sapagkat mayroon ng mga naitatalang kaso nito sa mga lugar sa rehiyon.

Sinabi pa ni Bobis na mainam ang paglilinis ng tahanan at pag-taob sa mga bagay na maaring pangitlugan ng lamok dahil narin sa stagnant water. Ani pa nito na ugaliing tandaan at gawin ang 4S o ang Search and destroy, Self-protect , Seek early consultation at Say yes to fogging.

Kapag nakakaramdam na ng sintomas ng dengue gaya ng lagnat, sakit ng ulo, pananakit ng katawan o kalamnan at pantal ay agad ng pumunta sa pinakamalapit na health center.


Facebook Comments