Kinumpirma ng Department of Health (DOH) sa Davao Region ang mabagal na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Region 11.
Ayon kay Dr. Anabelle Yumang, nakokontrol nila ang pagdami ng kaso sa Region 11 dahil
dalawang ospital lamang ang tanging binuksan nila para sa COVID patients.
Ito ay ang Southern Philippines Medical Center at ang Davao Regional Medical Center.
Sa ganitong paraan aniya naiiwasan ang pagkakahawa-hawa sa non-COVID patients.
Nagtalaga rin aniya sila ng mga eskwelahan at private hotels na pansamantalang tinitirahan ng kanilang medical frontliners.
Ayon pa kay Dr. Yumang, mahigpit din na pinatutupad sa Davao Region ang health at safety protocols sa mga pampublikong lugar at transportasyon sa tulong na rin ng Local Government Units (LGUs).
Sa ngayon, ang Region 11 ay mayroon na lamang 417 active cases mula sa naitalanga 1,018 COVID cases.
Samantala, iniulat ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang target nilang 1.5 million COVID-19 tests sa katapusan ng Hulyo.