Tattoo Artist, Huli sa Pagbebenta ng Pinatuyong Dahon ng Marijuana

Cauayan City, Isabela- Timbog ang isang tattoo artist sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga otoridad pasado 12:00 ng tanghali kanina sa Brgy. Banganan, Aritao, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang suspek na si Allan Mostera, 22-anyos, at residente ng Brgy. Kirang, Aritao, Nueva Vizcaya.

Positibong napagbentahan ng suspek ng dahon ng marijuana na tumitimbang ng 30 grams ang isang operatiba na nagpanggap na poseur buyer kapalit ang P 3,600.


Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

Facebook Comments