DOH sa Bicol Region, nagbabala sa mga usong sakit ngayong summer

Bicol, Philippines – Nagbabala ngayon ang tanggapan ng Department of Health sa Bicol region.

Aniya, pinag-iingat ang lahat ng mga Bicolano at Bicolana lalo na sa mga bata at kabataan na maaari sa mga sakit na mauuso ngayong summer tulad ng sipon, ubo at bungang araw ganon din aniya sa pagkasunog ng balat kung ito ay patuloy na magbababad sa mga maiinit na lugar sa pagpapaligo sa mga beach resort o mga dagat.

Kasama rin dito ang maaari aniyang tumubong tigdas kung madumi ang pagliliguan.


Hiniling ang tulong ng bawat Local Government Units na aniya ito ay tutukan at suportahan at bigyan-babala ang mga bakasyonista ngayong summer dito sa rehiyon.

DZXL558

Facebook Comments