DOH Sec. Duque, kinumpirma ang hindi nila pag-apruba sa Marikina COVID-19 testing facility

79

Kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi nila inaprubahan ang Marikina COVID-19 testing facility.

Ito ay matapos na hindi, aniya, pumasa sa standards sa espasyo at biosafety ang pasilidad.


Una nang kinumpirma ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro na hindi inaprubahan ng Department of Health (DOH) ang kanilang testing facility dahil kailangan daw magkaroon ng hiwalay na gusali.

Sa ngayon kasi ang COVID-19 testing center ng Marikina ay nasa ika-anim na palapag ng City Health Office, pero sinabi ni Mayor Teodoro na binakante na ito para sa nasabing pasilidad

Sa kabilang dako, inanunsyo naman ni Duque na nakumpleto na ng UP-National Institutes of Health (UP-NIH) ang lahat ng requirements para sa kanilang natuklasan test kits.

Facebook Comments