Publiko, hindi dapat paapekto sa mga isyu laban sa mga pulitiko kaugnay sa COVID-19

96

Hinikayat ng Inter- Agency Task Force on Emerging Infectious Disease o IATF-EID ang publiko na huwag magpa-apekto sa mga kontrobersiya na kinakasangkutan ng mga pulitiko kaugnay sa COVID-19.

Pakiusap ni IATF Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles sa mamamayan, ituon ang atensyon at kooperasyon sa pagsisikap ng pamahalaan na mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.


Paalala ni Nograles, makabubuting pagtuunan ng pansin ng bawat isa kung paano makakaiwas sa sakit at huwag na lang bigyang bigat ang pagkadismaya sa iilang mga pulitiko.

Facebook Comments