DOH Sec. Duque, nagbigay ng pahayag sa harap ng mga pagbatikos kina Sen. Koko Pimentel at Cong. Eric Yap

853

Kailangang sumailalim sa quarantine ang isang indibidwal na nagpasuri para sa COVID-19.

Ito ang nilinaw  ni Health Secretray Francisco Duque III matapos ulanin ng pagbatikos ng mga dismayadong netizens ang pagtungo ni Senator Koko Pimentel sa isang ospital habang siya ay nagtataglay ng mga sintomas ng virus.


Ang senador ay una ng naka-self quarantine at nagpasuri para sa COVID-19 matapos makaramdam ng ilang sintomas ng virus at kalaunan ay inaming positibo siya sa COVID-19.

Habang si ACT CIS PL Rep Eric Yap naman ay positibo rin sa COVID-19.

Nabatid na nagpasuri ang kongresista sa virus pero dumalo pa rin ito sa special session ng Kamara nitong Lunes.

Facebook Comments