Nanawagan si Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III sa mga taong humihimok sa kaniya na magbitiw sa pwesto kasunod ng anomalya sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Sa interview ng RMN Manila sinabi ni Duque na mas makabubuting hintayin muna ang resulta ng isinagawang imbestigasyon bago siya pagdesisyunin.
Hindi umano niya hiningi ang trabaho bagkus pinili siya ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging parte ng administrasyon nito kaya hindi siya dapat madaliin magbitiw.
Kasabay nito, iginiit ni Duque na hindi naka-atang sa kaniya ang buong command responsibility sa PhilHealth.
Bagama’t parte siya ng PhilHealth board, hindi nangangahulugang kontrolado niya ang buong ahensiya na isang collegial body na kinakailangan ang desisyon ng labing-tatlong miyembro (13) nito.
Samantala, suportado ni PhilHealth Chief Dante Gierran na bigyan ng emergency power si Pangulong Duterte para linisin ang PhilHealth.
Sa pamamagitan kasi nito ay mas mapapabilis na mapapanagot ang mga taong nasa likod ng anomalya sa ahensya.