PSA census, target tapusin hanggang September 29

Target ng Philippine Statistics Authority (PSA) na tapusin hanggang ika-29 ng Setyembre ang isinasagawang census na nagsimula na nitong September 1.

Ayon kay PSA National Services Officer-in-Charge Florante Varona, kukuhanin nila ang mga basic information mula sa datos na nagmula sa barangay, municipal, city hanggang sa probinsya.

Malaking tulong din ito sa mga mambabatas dahil ito ang magiging basehan para makapag-balangkas ng plano, mga polisiya, maging ang mga programang isasagawa.


Maliban sa face-to-face inteview, sinabi rin ni Varona na pwedeng gawing online ang pagtatanong sa publiko na kadalasang tumatagal ng 15 hanggang 30 minuto.

Iko-cover ng isinasagawang census ang aabot sa 25 milyong kabahayan sa bansa.

Facebook Comments