DOH, sinabing wala pang nabubuong polisiya ang mga eksperto hinggil sa pagpapatupad ng Alert Level 0

Posibleng magsilbi ng pinakamababang alert level ang Alert Level 1 na umiiral ngayon sa 48 mga lugar sa bansa hanggang sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ayon kay Health Secretary Francisco Duque III dahil hanggang sa kasalukuyan, pinag-aaralan pa rin ng mga eksperto ang Alert Level 0 at wala pang nabubuong polisiya para dito.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ng kalihim na dahil nasa Alert Level 2 pa ang 57 lugar sa bansa, mas dapat na pagtuunan muna ng pansin ang pagpapataas ng vaccination coverage ng mga ito, kaysa pag-usapan ang Alert Level 0.


Ayos naman na aniya ang sitwasyon ng mga lugar na nakasailalim ngayon na sa Alert Level 1.

Bukod dito, ang pagkakaroon aniya ng Alert Level System sa bansa ay mainam dahil maaaring ibaba ang alert level ng isang lugar kung maaari na o naabot na nito ang metrics.

Bukod dito, agad din aniyang maitataas ang alert level ng isang lugar, kung kinakailangan o mayroong sitwasyon na dapat tugunan.

Facebook Comments