Mga student pilot na pasahero ng bumagsak na air craft sa Zambales, kinilala na ng PNP

Pinangalanan na ng Philippine National Police (PNP) ang mga pasahero ng bumagsak na air craft sa Iba, Zambales kaninang umaga.

Sa ulat ng Police Regional Office 3, natukoy ang piloto ng air craft na si Captain Mel Bidayan.

Kasama naman sa kanyang mga sakay ang mga kapwa nya student pilot na sina:


• Captain Florencio Ruiz
• Captain Jamel Reamon
• Captain Albrench Sagario
• Captain Carmelita Bidayan
• Captain Ian Vincent Agdamag
• Captain Robin Austria

Sila ay nagtamo ng minor injuries na agad na dinala sa President Ramon Magsaysay Provincial Hospital.

Sa ngayon, patuloy pang inaalam ang sanhi ng pagbagsak ang air craft pero “mechanical failure” ang itinuturong dahilan ng piloto sa aksidente.

Nagtutulungan na ang PNP Aviation Group Iba at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa pagsasagawa ng imbestigasyon.

Facebook Comments