Target ng Department of Health (DOH) na maabot ang 100-percent compliance mula sa publiko hinggil sa pagsusuot ng face masks.
Batay sa pag-aaral ng London-based group, nasa 91% ng mga Pilipino ang nagsusuot ng face masks kapag sila ay lalabas at 83% ang regular na naghuhugas ng kanilang mga kamay.
Nasa 50% ng mga Pilipino ang iniiwasang umalis sa kanilang bahay at nasa 58% naman ang umiiwas na sumakay sa public transport.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, patunay na epektibo ang kanilang paulit-ulit na panawagan na sundin ang minimum health standards.
Umaasa si Vergeire na ang lahat ng Pilipino ay sumunod sa health at safety protocols.
Sa huling datos ng DOH, nasa 68,898 ang kaso ng COVID-19 sa bansa, 23,072 ang gumaling at 1,835 ang namatay.