Sinisilip na ng Department of Health (DOH) na matapos ang roll-out ng Sinovac vaccines sa priority groups sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, inabisuhan na ang mga ospital para dito at mayroong karagdagang dalawang linggo para i-monitor kung kailangang magkaroon ng quick substitution list.
Paalala naman ni Health Secretary Franciso Duque III, na kahit nabakunahan na ay ugaliin pa ring sumunod sa minimum public health standards.
Iginiit ni Duque na wala pang datos na nagpapakita na nagsisilbing ‘barrier’ ang bakuna sa transmission.
Ang magandang epekto aniya ng bakuna ay mababawasan ang symptomatic at asymptomatic cases na makatutulong para hindi lumala ang sakit.
Facebook Comments