DOH, target na ma-test ang 1.5% ng Filipino population sa katapusan ng Hulyo

Umaasa ang Department of Health (DOH) na 1.5% ng 110 milyong Pilipino ay masasailalim sa COVID-19 test sa katapusan ng Hulyo.

Ito ay katumbas ng 1.65 million individuals.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang Pilipinas ay mayroong testing capacity na aabot sa halos 50,000 kada araw kasabay ng pagsesertipika sa 59 na COVID-19 testing laboratories.


Pinalawak din ang targeted testing program para masakop ang maraming frontliners, kabilang ang mga barangay responders at social workers, at ang vulnerable population.

Nakipag-partner ang pamahalaan sa pribadong sektor para madagdagan ang medical supplies para sa testing.

Mayroon na rin silang centralized procurement ng medical equipment at iba pang supplies.

Nagsagawa rin sila ng emergency hiring ng health workers at encoders para sa maayos na data gathering at paghahatid ng “real-time” information.

Aabot na sa 468,681 individuals ang na-test ng DOH para sa COVID-19.

Bagama’t aabot na sa 2,200 backlog cases sa mga laboratory sa bansa, sinisikap ng DOH na maiayos ang COVID case reporting.

Facebook Comments