Target ng Department of Health na magkaroon ng isang COVID-19 referral hospital ang bawat rehiyon sa bansa.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, sa ngayon, mayroon na silang tinitingnan na 75 COVID-19 referral hospitals.
Tiniyak din ng DOH na lahat ng laboratory personnel ay hindi nagre-recycle ng gloves sa kanilang paghawak ng specimens ng suspected Covid patients.
Ayon pa kay Usec. Vergeire, bago nila isalang sa paghandle sa Covid patients ang kanilang frontliners ay masusi muna ang mga itong sumasailalim sa kaukulang pagsasanay at orientation.
Umapela naman ang DOH sa publiko na mging maingat sa pag-share ng mga impormasyon sa social media lalo na’t buhay at kaligtasan ng tao ang nakasalalay dito.
Muli ring kinundena ng DOH ang mga nangyayaring diskriminasyon sa healthcare workers maging sa mga pasyenteng gumaling sa COVID-19.