Malay PNP nakalikom ng mahigit P 300,000.00 pesos sa kanilang Bayanihan Fund Challenge

Kalibo, Aklan — Nakalikom ring ng mahigit P300,000.00 pesos ang Malay PNP sa kanilang ginawang Bayanihan Fund Challenge.
Ito ay matapos na mag ambag ambag ang mga personnel at officer ng Malay PNP sa pamumuno ng kanilang hepe na si PLTCOL. Jonathan Pablito kung saan umabot ito sa P351,000.00.
Ang nasabing halaga ay gagamitin rin bilang tulong sa kinakaharap nating krisis ngayon.
Samantala, kahapon ay una na ring inanunsyo ng Aklan PPO na nakalikom na rin sila ng P1.3 milyon pesos mula sa kaparehong challenge.
📷Malay MPS

Facebook Comments