DOH, tatalima sa rekomendasyon ng FDA na ituloy ang paggamit ng AstraZeneca vaccines

Tuloy ang paggamit ng bansa ng AstraZeneca COVID-19 vaccines.

Ito ang binigyang diin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Laging Handa public press briefing kasunod nang rekomendasyon ng Food and Drug Administration.

Ayon kay Vergeire, ang temporary suspension sa paggamit ng AstraZeneca vaccines sa 60 years old and below ay bahagi lamang ng regulatory process ng ahensya dahil sa umano’y blood clot side effect nito sa ibang bansa.


Pero base aniya sa evaluation at rekomendasyon ng World Health Organization ay itutuloy ang bakunahan gamit ang AstraZeneca Vaccines.

Giit nito, mas madami ang benepisyong makukuha kapag nagpaturok nito kumpara sa risk o panganib na maaring makuha kapag di nagpabakuna.

Samantala, sinabi pa ni Vergeire na magkakaroon pa sila ng pulong sa National Immunization Technical Advisory Group para makapaglabas ng mga panuntunan sa paggamit ng AstraZeneca Vaccines.

Facebook Comments