DOH, tiniyak ang kahandaan ng mga karatig-probinsya sakaling maabot na ang full capacity ng mga ospital sa National Capital Region

151

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na handa ang mga karatig-probinsya kung sakaling maabot na ang full capacity ng mga ospital sa National Capital Region (NCR).


Kasunod ito ng patuloy na pagdagsa sa mga ospital ng mga pasyenteng nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, gumagawa sila ng mga paraan para lahat ng pasyente ay mabibigyan ng appropriate care na kailangan nila.

Nitong August 6, 2020, umabot na sa 79% ng 552 ICU beds, 77% ng 3,500 isolation beds at 86% ng 1,600 ward beds para sa COVID-19 sa Metro Manila ang okupado.

Facebook Comments