DOH, tiniyak ang pagkontrol sa presyuhan ng face mask

Tiniyak ni Health Sec. Francisco Duque III na kumikilos na rin ang Department of Health kasunod narin ng mga ulat ng pagsirit ng presyo ng  face mask sa Maynila sa harap ng banta ng 2019 novel corona virus.

 

Ayon kay Duque, kinausap na nya ang direktor ng kanilang pharmaceutical division para sa pagpapatupad ng price control sa face mask.

 

Matatandaan na noong kasagsagan ng pag alburuto ng bulkang Taal, sumirit din ang presyuhan ng mga face mask lalo na ang mga n95.


 

 

Sa ilalim ng Republic Act 7581, may mandato ang DOH na i-regulate ang presyo ng mga gamot at medical supplies para  matiyak na maprotektahan mga consumers laban sa pagsasamantala ng mga negosyante sa panahon ng kalamidad.

Facebook Comments