DOH, tiniyak na hindi dapat ikatakot ang naitalang 2 kaso ng Pneumonic Plague sa China

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na walang dapat ikatakot matapos makumpirma ang dalawang kaso ng Pneumonic Plague o Black Death sa China.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, taun-taon ay may naitatalang kaso ng Plague sa ibang bansa.

Aniya, hindi naman ito malawakan at nagagamot naman agad ito ng antibiotic.


Dagdag pa ni Duque, nakukuha ang sakit sa maruming kapaligiran at hindi magandang hygiene.

Pwede ring maging disease carrier ang mga garapata at nahahawa rin ito sa pamamagitan ng bodily fluids gaya ng sipon o laway.

Ang sintomas ng Plague ay lagnat, pananakit ng katawan at ulo, hirap sa paghinga at ubo.

Facebook Comments