DOH, tiniyak na hindi magiging malala ang side effects ng bakuna sa mga menor de edad

Tiniyak ng Department of Health na hindi magdudulot ng malalang side effect ang pagbibigay ng COVID-19 vaccine sa mga kabataan.

Kasunod ito ng nalalapit na pagbabakuna sa mga kabataang may edad 12 hanggang 17 na isasagawa sa 6 na ospital sa Metro Manila.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, karaniwan lamang sa posibleng maramdamang side effect ay sakit ng ulo, allergy at pananakit ng katawan.


Binigyang diin din nito na rare case lamang din ang nakakaranas ng ‘myocarditis’ o pananakit ng muscle sa puso kaya’t walang dapat na ikabahala ang publiko.

Sa ngayon, tanging ang COVID-19 vaccines lamang ng mga kompanyang Moderna at Pfizer BioNTech ang may Emergency Use Authorization (EUA) na gamitin sa mga kabataan.

Facebook Comments