Julian Ongpin, nakatakdang humarap sa NBI ngayong linggo

Nakatakdang humarap si Julian Ongpin sa National Bureau of Imbestigation (NBI) sa darating na Miyerkules, Oktubre 6.

Si Ongpin ang itinuturong person of interest sa kaso ng pagkamatay ng artist na si Bree Jonson.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra, pinadalhan ng NBI ng subpoena si Ongpin matapos humarap sa DOJ para magsumite ng counter-affidavit sa reklamong possesion of illegal drugs.


Matatandang si Ongpin ang huling kasama ni Jonson sa San Juan, La Union nitong Setyembre 18 kung saan narekober ang 12.6 grams ng cocaine sa loob ng kanilang kwarto.

Facebook Comments