Hindi mako-kompromiso ang kaligtasan na publiko.
Ito ang pagtitiyak ngayon ni Department of Health Secretary Francisco Duque III kasunod ng desisyon na alisin na ang pagsasagawa ng vital signs bago bakunahan ng COVID-19 vaccine.
Ayon kay Duque, hindi naman lahat ay hindi na kukuhanan ng vital signs.
Palilinaw ng opisyal, ang mga kabilang sa “high-risk group” ay may medical conditions ay sasailalim pa rin sa vital signs screening bago bakunahan.
Una na kasing inalis ang vital signs screening upang mapabilis ang pagbabakuna sa bansa.
Nabatid na ang Pilipinas lang ang tanging bansa nagsasagawa ng vital signs screening bago ang pagpapabakuna.
Facebook Comments