Tiniyak ng Department of Health (DOH) na hindi pipiliting ilipat sa government isolation facilities ang mga mild COVID-19 patient na naka-confine sa mga ospital.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hahayaan na lamang ang mga ito na tapusin ang 14 araw na gamutan hanggang sila ay maging asymptomatic.
Proactive at hindi aniya retro active ang ginagawa ng gobyerno at karamihan sa mild cases na nasa mga ospital ay mayroong comorbidities o iba pang sakit na higit pang magpapahina sa kanila laban sa virus.
Binigyang – diin pa ni Vergeire na batid naman ng government hospitals ang protocol na priority ang severe at critical cases.
Facebook Comments