DOH, tiniyak na masusunod ang priority list ng mga mababakunahan kontra COVID-19

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na masusunod ang listahan ng mga ipaprayoridad na mabakunahan laban sa COVID-19.

Nabatid na kabilang sa mga unang mababakunahan ay mga frontline at essential workers, security forces, mga mahihirap at vulnerable population.

Kaya payo ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, huwag magpaturok ng COVID-19 vaccines hangga’t hindi pa ito rehistrado sa Pilipinas.


Kaugnay nito sinabi ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo na nangangalap sila ng detalye hinggil sa ilang sundalong nakatanggap na ng bakuna laban sa COVID-19.

Aniya, wala pa silang detalye kung saan nanggagaling o kung paano natanggap ng mga sundalo ang mga bakuna.

Muling iginiit ni Domingo na wala pang aprubadong COVID-19 vaccine sa Pilipinas.

Facebook Comments