DOH, tiniyak na may ilang COVID testing laboratories ang handang sumalo sa mga naapektuhan ng pagtigil ng Red Cross sa swab testing

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na may ilang COVID testing laboratories ang sumasalo na ngayon sa mga pending na COVID tests.

Kasunod ito ng pagtigil ng Philippine Red Cross (PRC) sa libreng COVID-19 swab test at pagproseso sa umuuwing Overseas Filipino Workers (OFWs) at medical frontliners dahil sa halos isang bilyong pisong utang ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Tinukoy ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire aang mga laboratories na nag-aalok ng COVID testing tulad ng:


• Biopath Clinical Diagnostics Inc., Makati
• E. Rodriguez, Cebu
• AFRIMS
• Macacare Medical Inc.
• First Aide Diagnostic Centre
• Detoxicare Molecular Diagnostics Laboratory
• Philippine Airport Diagnostic Laboratory at ang
• The Lord’s Grace Medical and Industrial Clinic

Facebook Comments