Isa sa 13 tumakas na detainee sa Caloocan, nahuli na; pagtugis sa iba pa, nagpapatuloy

Naibalik na sa kulungan ang isa sa 13 detainees na tumakas sa isang temporary detention facility sa Caloocan kaninang madaling araw.

Ayon sa Northern Police District (NPD), nadakip na si Dunacao Aries na nahaharap sa kasong possession of illegal drugs.

Matatandaang sinira ng mga detainees ang pader ng detention facility.


Lumalabas din sa impormasyon mula sa NPD na ilan sa mga kaso ng mga nakatakas ay may kinalaman sa droga, carnapping at ilegal na pagdadala ng baril.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng manhunt operation ang Caloocan City Police para sa 12 pang nakatakas.

Facebook Comments