Tiniyak ng Department of Health (DOH) na may kakayanan ang bansa na pigilan ang monkeypox sa pagkalat nito.
Una nang sinabi ng ahensiya na mahalaga pa rin na maging alerto sa posibleng pagkakaroon ng monkeypox sa bansa.
Ayon sa DOH, dapat umanong ma-monitor ang isang indibidwal kung may history ito ng paglalakbay sa mga bansang may kaso ng monkeypox.
Kabilang sa sintomas ng nasabing sakit ang lagnat, pamamantal at kulani.
Samantala, dagdag pa ng ahensiya na mainam na maglagay ng karagdagang proteksyon tulad ng pagsusuot ng facemask, pag-isolate kapag may nararamdamang sintomas at paghuhugas ng kamay.
Facebook Comments