Angela Gabriel Santiago, kinoronahan bilang Miss Possibilities 2023

Naging matagumpay ang 6th Miss Possibilities ngayong 2023 matapos mahinto noong 2020 dahil sa pandemic.

Ginanap ang aktibidad sa Henry Lee Irwin Theater sa Ateneo de Manila University, Quezon City.

Kinoronahang Miss Possibilities 2023 si Angela Gabriel Santiago.


Ang Miss Possibilities ay isang kakaibang beauty pageant dahil ang kalahok dito ay mga kabataang kababaihan na may special needs.

Itinuturing ito na kauna-unahan sa Asia.

Kabilang sa mga special award ay ang mga sumusunod:

  • Ms. Creative: Angela Gale Angeles
  • Ms. Adorable: Jasteene Mae Andaluz
  • Spirited: Alexandrine Daryn Uy
  • Ms. Photogenic: Ma Angela Fajardo
  • Ms. Charming: Mikaela Izabel Juano
  • Ms Fashionista: Ashley Denisse Despi

Habang kinoronahan naman bilang Miss Possibilities 2023 si Angela Gabriel Santiago.

Lumikha ng kamalayan ang Miss possibilities para ipakita na ang mga taong may iba’t ibang pangangailangan ay may mahalagang papel sa lipunan at magawang ipagbunyi ang kanilang mga nagawa sa buhay, at ipamalas ang tunay at panloob na kagandahan.

Nakibahagi sa 6th Miss Possibilities ang mga personalidad mula sa politika, sports at showbiz gaya nina Quezon City Vice Mayor Gian Sotto, Gladys Reyes, Issa Pressman, Candy Pangilinan, Jason Webb, Sam Concepcion, Winwyn Marquez, James Yap, Ria Atayde, Dianne Medina, Maxine Medina, at Ervic Vijandre.

Facebook Comments