DOH, tiniyak na mayroong safeguards sa hindi pagsasagawa ng Phase 4 clinical trials para sa COVID-19 drugs at vaccines

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na may nakalatag na safeguards kasabay ng desisyon ng pamahalaan na huwag nang ipaabot sa Phase 4 ang clinical trials para sa COVID-19 drugs at vaccines.

Sa ilalim ng Phase 4 trials, magkakaroon ng post-marketing surveillance para masuri ang bisa ng gamot o bakuna matapos itong aprubahan para sa publiko.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, isinagawa na dati ito kung saan pinabilis ang regulatory at approval process para sa bakuna labna sa Ebola at Meningitis.


Dagdag pa ni Vergeire, kinonsulta rin ang Health Technology Assessment Council at Food and Drug Administration (FDA) para sa nasabing probisyon sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Bill.

Pero nilinaw ni Vergeire, na magkakaroon pa rin ng “surveillance mechanism” para sa COVID-19 drugs at vaccines na ibebenta o ipapamahagi sa publiko.

Magkakaroon din ng community engagement kung saan ipapaunawa sa mga residente ang positibo at posibleng adverse effects ng gamot o bakuna.

Facebook Comments