Nilinaw ng Depatment of Health (DOH) na nananatili ang prioritization sa pagbibigay ng COVID-19 vaccine.
Kasunod ito ng pagsisimula kahapon ng pagbibigay ng booster shot sa mga edad 18 pataas.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, panghuli sa prayoridad ang pagbibigay ng booster sa mga edad 18 pataas.
Ang prayoridad pa rin aniya ang mga hindi pa nakakatanggap ng first at second dose.
Gayundin ang mga menor de edad at mga healthcare workers, senior citizen at immunocompromised na una nang pinabibigyan ng booster shot.
Sinabi rin ni Vergeire na bago pa man lumabas ang Omicron variant ay kinonsidera na ng pamahalaan ang pagbibigay ng booster sa mga edad 18 pataas.
Sa ngayon, hinihintay na lang ng DOH ang kumpletong rekomendasyon ng World Health Organization-Strategic Advisory Group of Experts (SAGE) sa COVID-19 booster shots bago pa ang Disyembre 7.